Hindi na nagpaliguy-ligoy pa si Julia Montes at sinabing ang kanyang nobyong si Coco Martin ang “answered prayer” niya.
Sa vlog ng TV Patrol anchor na si Bernadette Sembrano, na inilabas sa YouTube kahapon, October 25, 2023, natanong si Julia kung pinangarap ba niya noong non-showbiz ang maging karelasyon niya.
Tugon ng Five Breakups And A Romance star, “Actually, wala po sa isip ko.
“I’m the type of person na kung ano yung binigay sa akin ni Lord, naniniwala ako, binigay siya sa akin.”
Sa tingin niya, bakit si Coco ang ibinigay ng Diyos sa kanya?
Saad ni Julia, “A, si Coco kasi, nagkataon nung time na lost ako as a person, siya yung nag-guide sa akin, e.
“Siya yung answered prayer ko na nung mga time na, ‘Anong gagawin ko?’ Lost. Di ko alam kung anung-ano.
“Tapos ipinakita lang niya sa akin na siya din, been through all hardships. Tapos basta keep the faith and Nazanere devotee sila ni Lola.
“So, parang na-realize ko lang, ‘Oo nga, ‘no, basta huwag ka lang gi-give up and keep the faith.’
“Yun yung isa sa pinagpi-pray ko na in-answer ni Lord through Coco.”
Pareho man silang nasa showbiz, pinahahalagahan daw nina Julia at Coco ang kanilang privacy.
Saad ng aktres, “Ang sa amin, mas importante lang sa amin ngayon yung privacy.
“Si Coco kasi, hindi showbiz, e, ever since, hindi.
“Kung ano siya as Rodel, yun din siya as ngayon, as Coco.”
Rodel Pacheco Nacianceno ang totoong pangalan ni Coco.
Komento ni Bernadette, mabuting tao si Coco. Mabilis itong sinang-ayunan ni Julia.
Aniya, “Yes, kasi ang core niya rin, ganun po, e, family, generous siyang tao.
“Tapos hindi rin naman siya laki sa yaman.
“Kaya talagang lahat ng meron siyang opportunity, blessing ngayon, kaya siya ganun mag-give back.
“More than anything, hindi lang siya, parang ang tawag kasi ng ibang tao, ‘Hmp, ma-showbiz naman.’ Hindi, e.
“Talagang iba ang private life.”
Sagrado para kay Julia ang kanyang pribadong buhay. Todo-bigay naman daw siya bilang aktres kapag nagtatrabaho.
Paliwanag niya, “Yes. Parang yun na lang, I mean, in-offer ko naman po yung work and ano sa tao.
“So, parang yung private life, mas prefer ko lang talagang balato na. Balato na sa akin.”
Hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasagot nina Julia at Coco ang balitang mayroon na silang dalawang anak.
Nausisa rin si Julia kung nagseselos ba siya.
Sagot niya, “Nagseselos din ako, tao naman po ako. Pero maturity, saka work is work.
“Yes. Si Coco naman sobrang ano yan na tao, sobrang mabuti, mabait, and wala akong masasabi, kaya wala, kalma lang.”
News
Bakit Nga Ba Kabado si Coco Martin sa Pagpasok ni Julia Montes sa ‘Probinsyano’? Alamin ang Dahilan!
“Hindi ako puwede magkamali this time.” Ito ang natatawang saad ng aktor na si Coco Martin nang tanungin tungkol sa nararamdaman sa pagpasok ni Julia Montes sa long-running primetime series na “Ang Probinsyano.” Sa panayam ng dalawa sa Dreamscape Entertainment,…
Daniel Padilla’s Compassionate Gesture Amidst Personal Turmoil
Daniel Padilla, a prominent Filipino actor, made his first public appearance after the announcement of his breakup with longtime partner and co-star Kathryn Bernardo. The event, organized by the House of Treasures, was a storytelling gathering for orphans and children…
Daniel Padilla Posts Birthday Greeting For Kathryn Bernardo
Can exes be friends? Well, it seems Daniel Padilla is making a case for it as he recently posted a birthday greeting for his ex-girlfriend Kathryn Bernardo. Daniel greeted Kathryn through an Instagram Story. His birthday greeting was written in Japanese characters. The image he uploaded…
The Real Reason Coco Martin Was “Masungit” to Julia Montes During Their First Team-Up – What Happened Behind the Scenes?
Coco Martin and Julia Montes did not exactly have a good start when they were first paired for a major project. In 2012, ABS-CBN cast them as lead stars of the prime-time series Walang Hanggan. Though they previously worked with each other, there was…
Julia Montes Publicly Backs Coco Martin’s Latest Project – Is a New Collaboration in the Works?
Simple ang pagpakita ng suporta ni Julia Montes, 25, sa bagong proyektong pagbibidahan ng rumored boyfriend niyang si Coco Martin, 39. Sa kanyang Instagram Stories noong February 2, nag-post si Julia ng video ng trailer ng Love or Money, ang pelikulang pinagbibidahan nina…
Why did KathNiel break up? Fans pay tribute as Kathryn Bernardo and Daniel Padilla split after 11 years
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla, who were called KathNiel by fans, have confirmed the news of their breakup after being together for 11 years. As the rumors floated for a few days, Kathryn Bernardo finally took to Instagram on December…
End of content
No more pages to load