– Nagpasalamat si Angelica Yulo kay Rudy Baldwin sa mga regalong Sto. Niño, damit, relo, at 10 sako ng bigas
– Ibinahagi ni Angelica sa isang Facebook post ang kanyang pasasalamat kay Baldwin
– Ayon kay Baldwin, magtatagumpay sa Los Angeles Olympics 2028 ang mga anak ni Angelica na sina Eldrew at Elaiza
– Nakasungkit ng dalawang gintong medalya ang kuya nilang si Carlos Yulo sa Paris Olympics 2024
Buong pasasalamat ang ipinahayag ni Angelica Yulo sa “psychic reader and dream translator” na si Rudy Baldwin matapos makatanggap ng mga espesyal na regalo mula rito. Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Gng. Yulo ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga ibinigay ni Baldwin na imahe ng Sto. Niño, damit, relo, at 10 sako ng bigas.
Angelica Yulo, nagpasalamat sa mga binigay na regalo ni Rudy Baldwin Source: Facebook
“Thank you so much madam Rudy Baldwin for these. God bless your kind heart. ❤️❤️,” saad ni Angelica sa kanyang post, na agad namang umani ng atensyon mula sa mga netizen.
Bago ang pasasalamat na ito, binahagi ni Baldwin sa kanyang social media account na nakikita niyang magtatagumpay ang mga anak ni Angelica na sina Eldrew at Elaiza Yulo sa nalalapit na Los Angeles Olympics 2028. Ayon kay Baldwin, susundan ng magkapatid na gymnasts ang yapak ng kanilang kuya na si Carlos Yulo, na nag-uwi ng dalawang gintong medalya mula sa Paris Olympics 2024.
Muling binigyang-diin ni Baldwin ang kanyang paniniwala sa kakayahan ng mga batang Yulo, na patuloy na ipinapakita ang kanilang talento at dedikasyon sa larangan ng gymnastics. Ang suporta at positibong mensahe ni Baldwin ay nagbibigay inspirasyon hindi lamang sa pamilya Yulo kundi pati na rin sa maraming tagahanga at tagasuporta ng mga batang atleta.
https://www.facebook.com/angelica.yulo/posts/pfbid02Q8rXciQPke799LersKCmNStaJnHqBAyRpiuN8FeCPc6jtv1w3gpF2UwLr5gKhW7gl?ref=embed_POST
Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas na nagningning sa mga kumpetisyon sa gymnastics, partikular sa floor exercise at vault. Mula pagkabata, nagsimula na siyang magsanay, at nabigyan siya ng pagkakataong mag-aral at mag-ensayo sa Japan, kung saan lalo pang pinahusay ang kanyang mga kakayahan. Noong 2019, siya ang kauna-unahang Pilipino na nakasungkit ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships.
Ngayong 2024 Paris Olympics, si Yulo rin ang naging unang gymnast at lalaking atleta mula sa Pilipinas na nag-uwi ng gintong medalya. Samantala, ibinunyag ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang kanilang alitan dahil sa kasintahan ni Carlos na si Chloe San Jose.
Sa kabila ng mga paratang na siya ang ugat ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, nanatiling matatag si Chloe San Jose. Sa comment section ng kanyang post, tinanong pa niya kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humiling ng kopya para sa kanyang reference.
News
Miss America and Miss World pageants accused of discrimination by candidate disqualified for being a mother
Miss USA and Miss Teen USA have both stepped down amid allegations of a toxic work environment, sparking a larger conversation about the mental health of pageant participants. Miss USA’s mental health crisis Miss USA and Miss Teen USA have…
Kathryn Bernardo, Alden Richards, kumasa sa ‘Maybe This Time’ dance challenge
– Kathryn Bernardo and Alden Richards are making the rounds on social media – On his TikTok account, Alden recently shared a fun dance video of him with Kath – The “Hello, Love, Again” lead stars hopped on the “Maybe…
Carlos Yulo Minura Ni Elizabeth Oropesa
Si Carlos Yulo, na dalawang beses nang nagkampeon sa Olympics, ay tumanggap ng sermon mula sa award-winning na aktres na si Elizabeth Oropesa dahil sa patuloy na paglayo nito sa kanyang mga magulang. Sa isang video, hindi napigilan ni…
Did Julia Barretto CONFIRM Breakup Rumours with Gerald Anderson?
(From left) Gerald Anderson and Julia Barretto. Image: Instagram/@andersongeraldjr Julia Barretto said she and her boyfriend Gerald Anderson are still going strong despite recent breakup rumors, which she considers a “compliment” as they were able to keep the real status…
WATCH: Gerald accidentally reveals being back together with Bea. What happened to Julia?
They’ve been mum about whether they’re officially back together. But a slip of the tongue appears to confirm that Gerald Anderson and Bea Alonzo are a couple once more. In an interview at the 2017 Star Magic Ball held Saturday…
Toni Gonzaga Nagsalita Na Kung Bakit Binura Ang Video Sa Naging Panayam Niya Kay Carlos at Chloe!
Nagulat ang mga tagahanga ng online talk show ni Toni Gonzaga, ang “Toni Talks,” nang mawala ang episode na tampok ang dalawang beses na Olympic gold medalist na si Carlos Yulo at si Chloe San Jose sa YouTube. Dahil…
End of content
No more pages to load