DIRETSAHANG sinabi ni 2-time Olympic gold medalist at Filipino gymnast na si Carlos Yulo na gusto niyang magkaroon ng baby.
Isa raw iyan sa talagang mga pinapangarap niya sa buhay at sana raw ay biyayaan sila ng kanyang girlfriend na si Chloe San Jose ng sarili nilang anak pagdating ng tamang panahon.
Sa interview episode ng “Toni Talks” kay Caloy, naitanong sa kanya ni Toni Gonzaga kung ano nga ba ang naibibigay ng relasyon nila ni Chloe sa kanilang personal lives.
Sagot ni Carlos, “Peace and ‘yung motivation na gawin ‘yong mga gusto kong gawin sa buhay ko po.”
Dugtong pa ng Pinoy champion, “And siyempre like in the future, kung magkapamilya na po kami. Kasi gusto ko pong magkaroon ng baby po. Gusto kong maging tatay po, e.”
Reaksyon naman ni Toni sa naging pahayag ni Carlos, “Ready ka na at 24?”
“In the future naman po,” nangingiting sagot ni Caloy.
Sey pa ng Pinoy Olympian, masasabi niyang si Chloe na ang kanyang “the one” at palagi niyang ipinagdarasal na sana’y pang-forever na nga ang pagsasama at pagmamahalan nila ng kanyang girlfriend.
Nauna rito, naibalita na rin namin ang naging sagot ni Carlos sa tanong ni Toni na, “Kasi we are hearing one side of the story, but you are not sharing your side of the story. Bakit?”
Sagot ng binta, “Personal po kasi masyado eh. Like, hindi na rin po para malaman ng tao, ng buong sambayanan yung nangyari.
“Basta ako, alam ko po sa sarili ko, sa puso ko na napatawad ko sila and inamin ko sa sarili ko na nagkamali ako.
“Kinarma na ako kasi mali nga naman na sagutin mo sila ng ganu’n, na…siyempre emosyonal ka na po, eh. Gusto mo ipaglaban yung sarili mo and yung relationship niyo.
“Alam ko kung ano yung mali ko, tinanggap ko yun, ipinagdasal ko yun kay Lord, humingi ako ng tawad,” mahabang tugon ni Carlos.
Nauna rito, may FB follower naman si Chloe na naniniwalang darating din ang panahon na magkakasundo rin sina Carlos at mga parents niyang sina Mark Andrew Yulo at Angelica Yulo.
“Try to reunite and compromise with Caloy’s family. Chloe Anjeleigh San Jose you both will be blessed more,” payo ng isang netizen.
Ang makahulugang sagot sa kanya ni Chloe, “Reunion and compromise isn’t going to happen when the other party’s not willing to do so too.”
News
Carlos Yulo, ipinaliwanag kung bakit mas piniling manahimik na sa isyu ng pamilya
– Carlos Yulo and his girlfriend, Chloe San Jose, were recently interviewed by Toni Gonzaga – In ‘Toni Talks’ on YouTube, Toni asked Yulo why he chose to remain silent amid the issue – According to the two-time gold medalist,…
Chloe San Jose, ibinida ang look niya nang mag-guest co-host siya sa ‘iWant ASAP’
– Chloe San Jose recently appeared as a guest co-host on “iWant ASAP” – She recently took to social media to share a set of lovely photos of her in the dressing room – As seen in the snaps, the…
IBINUNYAG NG CEO NG MILO ANG DAHILAN KUNG BAKIT TINATAWAN SI CARLOS YULO
Nagsalita na ang CEO ng brand na Milo tungkol sa desisyon nilang tanggalin si Carlos Yulo bilang brand ambassador. Ayon sa kanya, hindi lamang nakasalalay sa mga medalya o malalaking halaga ng pera ang tunay na tagumpay, kundi sa mga…
NAGBUKAS ANG NANAY NI CHLOE SAN JOSE TUNGKOL SA PAGKAKAROON NG IBANG ANAK BUKOD kay CHLOE
Ayaw nang magpatalo sa katahimikan ng ina ni Chloe San Jose, ang kontrobersyal na personalidad na kasalukuyang partner ng dalawang beses na Olympic gold medalist na si Carlos Yulo. Nagdesisyon siyang magsalita matapos maapektuhan ang kanilang pribadong buhay dahil sa…
Celebs, nakiramay kay Billy Crawford sa pagkamatay ng ama niya
– Celebrities extended their condolences to Billy Crawford who lost his father – The actor posted a truly sad and touching message for his late father whom he loved so dearly – Billy was even saying sorry to his dad…
Doc Willie Ong, binahagi ang kanyang napagtanto sa pagpapagamot sa Singapore
– Binahagi ni Doc Willie Ong ang kanyang napagtanto matapos magpagamot sa Singapore – Nais niyang maiangat ang antas ng healthcare sa Pilipinas upang maiwasan ang mga aniya’y ‘needless deaths’ – Inihayag niya ang pagkakaiba ng pondo at suporta sa…
End of content
No more pages to load