Gerald Anderson says five years of being in a relationship with Julia Barretto is proof that she’s the “right one.” But he adds that there’s no need for them to rush into marriage.
PHOTO/S: Rachelle Siazon / @juliabarretto Instagram
Sigurado na si Gerald Anderson, 35, na si Julia Barretto, 27, ang “the right one” para sa kanya.
“Of course, five years na kami, di ba?” diretsong sagot ni Gerald nang tanungin siya ukol dito.
Taglay raw ni Julia ang mga katangiang gusto niya sa isang babae.
“Yung personality niya, yung pagiging fighter niya, yung pagiging malambing niya.
“Pag tiningnan mo siya, parang mukha siyang bata, mukha siyang pretty face lang.
“Pero, hindi. Malalim siyang tao. She’s very beautiful inside and out,” paglalarawan ng aktor sa kasintahan.
Photo/s: @andersongeraldjr Instagram
Bago pa mapunta ang usapan kung may plano na silang lumagay sa tahimik, inunahan na ni Gerald ang press.
“She’s very special to me. Alam naman yun lahat yan. Hindi naman magbabago yan.
“But, itong moment na to, yung moment na ngayon, let her enjoy.
“Huwag natin madaliin,” saad niya.
Humarap si Gerald sa entertainment press noong August 24, 2024 sa Studio 8 ng ABS-CBN.
Inilunsad siya bilang lead star ng upcoming teleserye ng ABS-CBN Studios, ang Nobody, kunsaan gaganap siya bilang isang pulis.
GERALD ANDERSON ON JULIA BARRETTO’S BOX-OFFICE MOVIE
Hindi maiwasang tanungin si Gerald tungkol kay Julia, na matagumpay ang pagbabalik-tambalan sa ex-boyfriend nitong si Joshua Garcia sa pelikulang Un/Happy For You.
As of August 28, ayon sa Star Cinema, humakot na ng PHP320 million box-office sales ang pelikula.
Ayon kay Gerald, “Well, ang gandang ibig sabihin para sa industriya, right?
“Kasi for a time, parang hindi mo alam, babalik ba mga tao sa sinehan?
“It’s a challenge for everyone kasi we have to keep producing good projects, quality projects.”
Patuloy niya: “At pinapakita natin na pag gawang Pinoy, papanoorin pa rin yan, e, di ba?
“Hindi naman kailangan laging Hollywood.
“Kasi nga, with the given situation, siyempre hindi naman kasing laki ng budget natin sa ibang bansa.
“But we always produce. So, yun. Galing, no?”
Nakarating kay Gerald ang feedback na maganda ang performance ni Julia sa pelikula.
“Pinaghirapan niya yun. I haven’t seen it, pero sobrang galing daw niya,” ani Gerald.
Proud na sabi pa niya sa successful movie ng nobya, “It’s long overdue.
“Para sa akin, she’s one of the best, if not the best, sa generation niya. At marami pa siyang ipapakita sa inyo.”
News
May Violation Ulit! It’S Showtime, Bibigyan Ulit Ng Parusa Nang MTRCB Dahil Naman Kay Vice Ganda
Kapamilya noontime show na It’s Showtime, maaring mapatawan na naman ng panibagong parusa ng MTRCB nang dahil muli sa Unkabogable Star na si Vice Ganda. Muling tinawag ng ilang mga netizens ang pansin ng MTRCB, dahil sa naging pahayag…
BREAKING NEWS: Binggo Na! Its Showtime Nanganganib Na Muling Masuspinde?!
Sa pinakabagong episode ng It’s Showtime, muling nakakuha ng pansin ang Unkabogable Star na si Vice Ganda dahil sa kanyang mga kontrobersyal na biro. Ang mga birada ni Vice Ganda ay naglalaman ng mga pahayag na tila may target…
Vice Ganda, sinagot ang netizen na sinabihan siyang wag pisikalin si Anne Curtis
– Vice Ganda recently responded to some netizens on Twitter – One netizen called him out and told him to avoid having “pisikilan” jokes with Anne Curtis – It didn’t take long for Vice to address the said tweet –…
Gerald Anderson’s mother opens up about relationship between Bea Alonzo and her son: ‘I never liked her!’
27 Aug – Gerald Anderson’s mother Evangeline Opsima is definitely unhappy with the controversy surrounding her son’s breakup with Bea Alonzo, as she recently admitted that she has never liked the actress for her son. As reported on Rappler, Opsima, known…
Bea Alonzo reacts after touring Thailand at same time as Gerald Anderson, Julia Barretto
From left: Bea Alonzo, Gerald Anderson and Julia Barretto at the 2019 ABS-CBN Ball Philstar.com / Kat Leandicho, file MANILA, Philippines — Kapuso actress Bea Alonzo is unbothered to cross paths with her ex-boyfriends in the future. In GMA7 reporter…
Xian Gaza, sinagot ang netizen na nagtanong kung bakit sila naghiwalay ng ex
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=478551918363683&set=a.106700708882141&type=3&ref=embed_post- Sa kanyang post kamakailan ay pinakita niya ang aniya’y dinatnan niya nang umuwi siya sa bahay nila – Aniya, bago siya umuwi ay sinabihan niya na ang ex girlfriend niya na lumipat na – Bukod sa pagpuri niya na…
End of content
No more pages to load