“Hindi ako puwede magkamali this time.”
Ito ang natatawang saad ng aktor na si Coco Martin nang tanungin tungkol sa nararamdaman sa pagpasok ni Julia Montes sa long-running primetime series na “Ang Probinsyano.”
Sa panayam ng dalawa sa Dreamscape Entertainment, inamin ng aktor na hindi siya makatulog dahil sa tensyon na nararamdaman sa muling pagsasama nila ni Montes sa isang proyekto.
“Ako ’yung di nakatulog. Ako ’yung tensyonado kasi makakasama ko siya. Hindi ako pwede magkamali this time. Dito pa ba ko sasablay?” tugon ni Martin na bida sa seryeng umabot na sa ikaanim na taon.
Paliwanag ni Martin, aksyon ang gagawin ni Montes sa teleserye kaya naman kailangan niyang turuan maigi ang aktres mula sa paghawak ng baril hanggang sa pagmomotor.
Nang tanungin kung magkakaroon ba sila ng love affair ng karakter ni Montes sa palabas, tila nagpahaging na ang aktor na maaaring hindi ito mangyari dahil gusto nilang sorpresahin ang mga manonood.
“Hindi namin ibibigay ’yung ine-expect ng manonood kasi kami lagi naming pinaghahandaan kung ano ’yung bagong ihahain sa mga bagong viewers natin,” sagot ni Martin na gumaganap bilang si Cardo Dalisay sa serye.
Sinisigurado rin ng aktor na siya ring direktor ng palabas na may bago pa silang maihahain sa publiko sa kabila ng 6 taong pag-ere.
Aniya, nakakaramdam pa rin siya ng excitement sa paggawa ng episodes ng “Ang Probinsyano” lalo na’t may bagong cast muli ang serye.
“Kasi hanggang ngayon excited pa ko. Di ako nakakaramdam ng pagod. Lagi akong ganado. Lagi akong nae-excite. May bagong cast. Ang laki ng tatakbuhin ng kwento. Para akong gumagawa ng bagong show,” saad nito.
May kaunting pressure naman na nararamdaman si Montes sa bagong proyekto dahil alam umano niya ang dedikasyon ng bumubuo rito.
“May pressure. More of ma-meet ’yung expectations niya at ng lahat ng team kasi lahat talaga dedicated,” pahayag ng aktres. “Blessed lang talaga and honored. Hindi siya aabot ng 6 years kung di ibinigay ng lahat puso nila.”
Unang nagkasama sina Martin at Montes sa seryeng “Walang Hanggan” noong 2012. Huli silang nagkatrabaho noong 2015 sa “Wansapanataym’s Yamishita’s Treasures.”
Matagal nang usap-usapan ang umano’y relasyon ng dalawa ngunit hindi pa diretsong inaamin ng mga ito ang tunay na estado nila.
News
Daniel Padilla ,Nagulat at Naiyak sa pag surpresa sa kanya ni Kathryn Bernardo
Naging emosyonal si Daniel Padilla matapos siyang sorpresahin ng kaniyang longtime girlfriend na si Kathryn Bernardo sa isang espesyal na kaganapan. Ayon sa mga malalapit na kaibigan ng aktor, hindi inaasahan ni Daniel ang engrandeng sorpresa na inihanda ni Kathryn…
ALDEN SPOTTED NAHULI NG MGA AUDIENCE ANG PAGIGING SWEET KAY KATHRYN
Matapos ang ilang linggong espekulasyon, muling nagiging usap-usapan ang tambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards matapos silang mahuling sweet ng ilang mga audience sa isang event. Sa kabila ng mga kontrobersya na bumabalot sa relasyon nina Kathryn at Daniel…
Kapatid ni Kris, HUMAGULGOL ng IYAK ng makita ang katawan ni Kris Aquino!
Kamakailan lamang, nagdulot ng labis na kalungkutan ang balita tungkol sa pagpanaw ni Kris Aquino. Ang kanyang mga mahal sa buhay, lalo na ang kanyang mga kapatid, ay labis na naapektuhan ng trahedyang ito. Sa mga ulat, nakitang humagulgol ng…
DANIEL PADILLA IYAK NA🔴SA BALITA KINA KATHRYN BERNARDO AT ALDEN RICHARDS
Sa kabila ng napakaraming mga proyekto at tagumpay na pinagsamahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, tila isang kontrobersya ang namumuo matapos ang balitang muli silang itatambal ni Alden Richards. Ayon sa mga ulat, hindi napigilang maging emosyonal ni Daniel…
Kontrobersya Kay Carlos Yulo: Endorser Nga Ba Ng Jollibee o Maling Akala Lamang?
Naging matindi ang reaksyon ng publiko nang kumalat ang mga larawan ni Carlos Yulo kasama ang ilang mga opisyal ng Jollibee, na agad namang inakalang opisyal na siyang endorser ng naturang brand. Dahil sa mga maling akala at espekulasyon, nagkaroon…
Grabe ang Pagkakahawig! Mga Anak nina Coco Martin at Julia Montes, Tatlo na Nga Ba?
Usap-usapan ngayon ang viral na balita tungkol sa tatlong anak ni Coco Martin at Julia Montes matapos makita ang mga larawan ng kanilang mga anak. Marami ang napansin na kamukhang-kamukha raw ni Julia ang mga bata, mula sa kanilang mga…
End of content
No more pages to load