MAYNILA — Isang araw bago ang Araw ng mga Puso, nagbigay kilig ang aktor na si Coco Martin sa pagsabing singsing ang maari niyang iregalo sa napapabalitang nobya na si Julia Montes.
Sa naging pagbisita ni Martin sa programang “Sakto” ng TeleRadyo, natanong ang aktor sa kung ano ang maari niyang ibigay sa mga naging leading lady ngayong Valentine’s Day.
Nang mabanggit ang pangalan ni Montes, nakingiting sagot ni Matin: “Singsing.”
“Kasi si Juls, sobrang espesyal sa akin,” dagdag na paliwanag ni Martin.
Ilan naman sa mga nabanggit na mga aktres na dati niya ring naging leading lady ay sina Andi Eigenmann, Maja Salvador, Erich Gonzalez, Kim Chiu, Yassi Pressman at Bela Padilla.
Nabanggit din ang pangalan ng kanyang pinakabagong leading lady na si Lovi Poe.
Nito lamang nakaraang linggo, kinilig din at naghatid ng saya sa mga CocoJuls o mga tagahanga nina Martin at Montes ang naging pahayag ng aktor na sa “Walang Hanggang” serye nagsimula ang lahat.
Hanggang ngayon wala pa ring tahasang pag-amin sina Martin at Montes sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
Huling nagkasama sina Montes at Martin sa seryeng “FPJ’s Ang Probinsyano.”
Magsisimulang mapanood ang “FPJ’s Batang Quiapo” ngayong Lunes ng gabi, Pebrero 13, sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC.
News
Julia Montes Finally Breaks Silence: Is She Really Engaged to Coco Martin?
Julia Montes is the latest star to take on the challenging “Talk or Dare” segment of “Fast Talk with Boy Abunda!” On Thursday, Tito Boy said that Julia was spotted wearing a ring during the ABS-CBN Ball, which was also…
‘Walang katotohanan’: Karla Estrada denies Daniel Padilla, Kathryn Bernardo breakup rumors
MANILA, Philippines — Actress Karla Estrada denied rumors that her son Daniel Padilla and his girlfriend Kathryn Bernardo are now separated. In her Instagram account, a fan of the love team known as KathNiel commented on Karla’s post seeking clarification…
Julia shares her greatest realizations, why she considers Coco as her “answered prayer”
In more than two decades that she’s been in the entertainment industry, Julia Montes, or Mara Hautea Schnittka in real life, has astonishingly managed to thrive and create her mark ever since she started as a child star. The progress…
‘Di mawawala sa puso ko’: Daniel Padilla thanks Kathryn Bernardo at ABS-CBN contract renewal
MANILA, Philippines — Kapamilya actor Daniel Padilla thanked former long-time on- and off-screen partner Kathryn Bernardo during his renewal of contract with ABS-CBN yesterday. During his speech, Daniel said that their memories together will be forever in his heart. “Siyempre…
Daniel Padilla Gets Sentimental: Why Is He Thanking Kathryn Bernardo for Their “Good Memories”?
Actor Daniel Padilla expressed his gratitude towards his former girlfriend Kathryn Bernardo for all the good memories they had shared for the past decade. During the renewal of his contract with content provider, ABS-CBN, Daniel delivered his speech thanking those people who had been…
EXCLUSIVE: Coco Martin, Julia Montes nagsalita tungkol sa relasyon
Sa eksklusibong panayam sa TV Patrol, ibinahagi ni Coco Martin ang matagal nilang itinagong relasyon ni Julia Montes na umabot ng 12 taon. Ayon kay Coco, sadyang pinili nilang gawing pribado ang kanilang relasyon upang maprotektahan ang kanilang personal na…
End of content
No more pages to load