Andrea Brillantes, hindi isinuko ang showbiz career kahit noong may pinagdaanan
Mag-social media detox ang isa sa ipinapayo ng Kapamilya teen actress na si Andrea Brillantes sa mga kagaya niyang nasa Generation Z.
Ito ang sagot ni Andrea nang tinanong namin kung ano ang kanyang maipapayo sa mga kabataang kagaya niya na marami nang pinagdaanan sa murang edad.
Ini-launch ang Kapamilya young actress bilang bagong brand ambassador ng Beautederm sa Novotel Hotel, Cubao, Quezon City, nung nakaraang Huwebes, November 25.
Aminado si Andrea na malaki ang epekto ng social media sa kanilang mga kabataan.
Naranasan niya nang batuhin ng iba-ibang batikos ng bashers. Kaya mas mabuti raw na minsan ay mag-social media detox.
“Social media detox can really help. Kasi minsan, hindi natin alam kung gaano na tayo naaapektuhan ng social media ngayon, e.
“Kasi naiintindihan ko, wala naman tayong magagawa. Nasa sa kuwarto lang tayo.
“Ano pa ang gagawin natin kundi mag-TikTok, mag-Instagram, mag-Twitter,” pakli ni Andrea.
Dagdag niya, “We can workout, we can read books, we can talk more with our family members.
“Alam mo, may time tayo sa ating fans. We can create a new hobby, we can learn a new instrument.
“Kasi sometimes, ang social media, if it’s used in a good way, magiging maganda. Pero madalas kasi, hindi natin nakokontrol, e.
“Dahil dali-dali lang mag-type, ang daling magsabi ng negative comments sa kapwa. Kaya ang best advice ko is iwas na lang din, and alam ko naman, low-key tayo ngayong pandemic.
“So, it’s very important to keep close contact with your friends to keep you sane, and to your family members,” saad ni Andrea.
Bilib ang Presidente at CEO ng Beautederm Company na si Rei Anicoche-Tan kay Andrea na ang bata pa ay nagpakita na ito ng katapangan at pagiging matatag sa mga pinagdaanan niya sa buhay.
Isa raw iyun sa mga hinahanap nila nang piliin nilang endorser si Andrea ng bagong produkto nilang health boosters o supplements na Reiko at Kenzen.
JERRY OLEA
Bilang magulang, nag-react ang Beautederm CEO na si Rei Anicoche-Tan sa pinagdaanan ni Andrea.
Ani Rei, “Kahit din po yung binata at dalaga ko, parang ayaw na pong mag-aral, dumating sila sa point na ganun.
“Kaya kinuha ko si Andrea para maging voice ng kabataan. Kasi, magse-set siya ng good example para sa kanilang lahat.
“Siya yung gusto kong kunin para ma-reach ko yung market na yun.”
Sa showbiz career ni Andrea, may panahong halos sumuko na siya.
Ano ang na-realize niya ngayong isa na siya sa pinakasikat na young stars?
Napabuntong-hininga si Andrea, “Actually, it was never almost I gave up. I wanted to, but I kept on fighting.
“It was mostly my mom who wanted me to give up. Kasi, siya na yung nahihirapan para sa akin.
“Pero ako yung inilalaban na, ‘Hindi, e. Ito lang yung pangarap ko ever since I was three years old.’ And artista na ako noong seven years old ako.
“So, ito lang yung alam ko sa life. Ito, dito ako lumaki. Ito yung buhay ko.
“So, kahit pabigay na ako, inilaban ko pa rin talaga.”
Ipinagmalaki ni Andrea na sadyang matibay ang kanyang loob.
Patuloy niya: “And kung meron man isang bagay na pinaka-grateful ako, sa lahat ng dumating sa akin, is yung strength siguro na meron ako.
“Pinaka-grateful ako sa sarili ko na hindi ako bumigay. Kasi, kung nag-give up ako, hindi ko rin mararating kung anong meron ako ngayon.
“At gusto ko rin magpasalamat siyempre sa pamilya ko na nagbigay sa akin ng pagmamahal, hindi napagod sa akin. Sa mga kaibigan ko na pinalakas ako, and of course, sa Diyos.”
Nais ni Andrea na ibahagi sa kabataang gaya niya na matutong maging matapang sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.
“At nagpapasalamat ako dahil pinagdaanan ko pa rin ang lahat ng pinagdaanan ko. Kasi, kung hindi yun, hindi ako magiging kung sino ako today.
“At nare-realize ko kasi na lahat ng dumating sa buhay ko, meron akong natulungan.
“Lahat na pinagdaanan ko, meron mga kapwa Gen Z ko na nakikita na, ‘Kung kinaya niya, kaya ko rin.’
“So, masaya ako na isang inspirasyon ako sa generation ko.”
Ano pa ang gusto niyang ma-achieve?
Tugon ni Andrea, “Malayo pa po. Malayo pa po yung pangarap ko estado ko ngayon sa buhay.
“Marami pa po akong gustong maibigay sa pamilya ko, sa sarili ko. Marami pa po akong gustong patunayan sa lahat ng tao, sa fans ko.”
Sana raw ay bumalik na sa dati na maaari nang magtipon-tipon.
Dagdag ni Andrea: “Siyempre, ngayon na pandemic, miss na miss ko na sila. Actually, ngayon, sa work ko na hindi puwede ang mall show, sobrang limited lahat ng puwede mong gawin, feeling ko nga, naka-pause pa lahat, e.
“Naiipon lahat ng gusto kong ibigay. So, feeling ko, pag natapos na ‘to—hopefully, matapos na ‘to—gusto ko sana, ang dami kong gustong ibigay na pagmamahal sa fans ko.
“Andaming na-reserve na energy sa akin, e. So, malayo pa po. Meron pa akong sampung taon para gawin ko lahat ng gusto ko.”
NOEL FERRER
Nagagandahan talaga ako kay Andrea dati pa. At alam niyang maganda siya at lapitin ng boys. Kaya ingat lang… ingat, Andrea.
Sabi nga ni Andrea, “Never ka dapat maging too dependent sa isang bagay. Masyado na kasing naging dependent ang generation ko with social media. Na nakakain na rin kami ng social media.
“I admit, may times na pag pagod na pagod na ako, nagti-TikTok lang ako buong araw, buong oras.
“Pero pag trabaho, iniiwas ko talaga. Recently, nag-detox ako sa Messenger, sa Facebook. Umiwas lang for ako a bit. Tapos, bumalik din ako.
“Minsan, kailangan mo din na humiwalay sa mga bagay na nao-overwhelm ka para maging mas healthy ka as a person.”
Buti naman. Kasi, hindi lahat ng bagay nasa social media. Actually, mas marami ang wala.
Basta sana hindi umabot sa punto na parang MMFF 1990 movie ni Ate Guy… Andrea, Paano Ba Ang Maging Isang Ina?
Dapat, mala-Andrea Bautista sa Dang-Dong (1980) muna siya na wholesomely enjoying her youth!
News
How true?! Kathryn Bernardo hindi raw type si Alden Richards. Naloko ba tayo all this time?
How true?! Kathryn Bernardo hindi raw type si Alden Richards. Naloko ba tayo all this time? May iba umanong gusto si Kathryn Bernardo at hindi nito bet si Alden Richards. Ayon sa source ng entertainment writer na si Reggee Bonoan,…
Kathryn Bernardo Thinks Alden Richards Will Marry First: “He Wants a Baby Already”
Kathryn Bernardo Thinks Alden Richards Will Marry First: “He Wants a Baby Already” Kathryn Bernardo recently revealed that she believes Alden Richards is likely to get married before her, citing his desire to start a family. The two actors, who…
‘KathDen’ is too much, everyone knows it but we don’t know it
Alden Richards made headlines once again as he surprised Kathryn Bernardo with a lavish bouquet and a special gift during her recent birthday celebration. The heartwarming moment, captured in an Instagram story by Bernardo’s friend, quickly went viral, sparking a…
Kathryn Bernardo is being shipped with Alden Richards, Jericho Rosales. The three-way war broke out
IT has been four months since Kathryn Bernardo confirmed the end of an era for one of the country’s most promising loveteam in the Philippine entertainment scene: KathNiel, her reel-to-real loveteam with Daniel Padilla. But it seems that several netizens…
HOT HOT!!!!🔴KATHDEN SPOTTED NAGHAHALIKAN at ALDEN RICHARDS NASA MANSION at BAHAY NI KATHRYN BERNARDO! 🔴
🔴 KATHDEN SPOTTED NAGHAHALIKAN AT ALDEN RICHARDS NASA MANSION AT BAHAY NI KATHRYN BERNARDO! 🔴 Nag-viral na naman ang isang shocking at kilig na balita tungkol sa tambalang KathDen na talaga namang nagpasiklab ng mga puso ng fans! Sa isang…
TRENDING VIDEO: 🔴ALDEN RICHARDS, DINUMOG NG HALIK SI KATHRYN BERNARDO! 🔴
REAKSYON: Alden Richards, Dinumog ng Halik si Kathryn Bernardo! Isang nakakagulat at nakakakilig na pangyayari ang naganap sa isang espesyal na event kung saan si Alden Richards at Kathryn Bernardo ay nakita na magkasama. Hindi inaasahan ng kanilang mga fans…
End of content
No more pages to load