OMG! KAKAIBANG aksyon ni KIM Chiu sa burol ng kanyang ina? DAPAT BANG PAG-USAPAN?

Nakasuot ng puti ang buong pamilya ni Louella Yap Chiu, kabilang na ang young actress na si Kim Chiu (pangalawa mula sa kanan), nang ihatid ito sa kanyang huling hantungan kaninang umaga, June 29, sa Cebu. 

Nakasuot ng puti ang buong pamilya ni Louella Yap Chiu, kabilang na ang young actress na si Kim Chiu (pangalawa mula sa kanan), nang ihatid ito sa kanyang huling hantungan kaninang umaga, June 29, sa Cebu. 

Naihatid na sa kanyang huling hantungan ang mga labi ng ina ni Kim Chiu na si Louella Yap Chiu sa Cebu Memorial Park (CemPark) kaninang umaga, June 29.

Ayon sa ulat ni Carine Asutilla ng ABS-CBN News Central Visayas, dumalo sa funeral ang pamilya, kamag-anak, malalapit na kaibigan, at si Kim mismo na kagagaling lang sa biyahe nito sa Thailand para sa isang commercial shoot.

Umalis ang funeral convoy mula sa Cosmopolitan Funeral Homes sa Nivel Hills, Lahug, Cebu bandang alas-nuebe ng umaga para sa isang misa na idinaos naman sa St. Therese Parish bago sila tumungo sa CemPark.

Lahat ng mga dumalo sa misa at libing ay nakasuot ng puti. May halos isandaang katao, kasama na ang mga kapatid ng ama ni Kim sa si William Chiu, ang sumama sa paghahatid sa huling hantungan ng ina ng young actress.

Alas-diyes ng umaga sinimulan ang misa, kung saan dumating si Kim ilang minuto pagkatapos ang pagbebendisyon.

Kim Chiu 🌸‎‏ | ‏‎The closest I can get to have a photo with her side by side.🤍 #poselikeyourmama #dresslikeyourmama My mama is a camera shy, we even don't...‎‏ | Instagram

Mababanaag daw sa suot na sunglasses ni Kim ang namumugtong mata nito. Hinubad niya ang salamin pagpasok sa simbahan habang inaalalayan siya ng ama.

Pinalibutan daw ng mga pulis ang simbahan habang nagmimisa para mapanatili ang katahimikan ng funeral mass, dahil marami raw fans ni Kim na nakiusyoso sa labas.

Malalapit lang daw na kaibigan at kamag-anak ang pinayagang makapasok sa loob ng simbahan.

Ayon naman kay Fr. Ronaldo Paulino, na siyang nangasiwa sa misa, nasa ospital siya nang ma-confine si Mrs. Chiu. Sinabi pa nitong humingi sa kanya ang pamilya ng dasal para sa ina ni Kim.

Sinabi rin nito sa misa na magpasalamat kay Louella at patawarin ito sa kanyang mga pagkukulang.

Matapos ang misa, ang funeral convoy papuntang CemPark ay dumaan sa Cebu I.T. Park na siyang inirekomenda na daan ng isang feng shui expert.

Sa libing, sinunod ng pamilya ang nakagawiang tradisyon ng mga Chinese; kasama na ang pagsusunog ng ilang mahahalagang gamit ng namayapa at ang pagbitbit ng litrato nito ng panganay na anak.

Matapos nito, nag-post si Kim ng kanyang Instagram message para sa ina na nalathala dito sa PEP kanina.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News