Binitawan na raw ng Cornerstone Entertainment ang singer-songwriter na si Moira dela Torre, ayon sa source ng showbiz insider na si Ogie Diaz.
“Ang mga nakarating sa ating chika: Una, may attitude daw noon pa si Moira. Pangalawa, nagde-demand daw si Moira ng mga ‘anong plano n’yo sa akin? Ano bang mga gagawin ko pa?’” saad ni Ogie sa kanyang “Showbiz Updates” vlog.
“Lately, wala na tayong nababalitaang mga pinasikat pang awitin ni Moira. So, ‘yong pag-a-attitude daw ni Moira ay malaking factor para mag-decide daw ang Cornerstone na siya ay bitawan na,” dagdag pa ni Ogie.
Sabi pa niya, nakiusap pa raw si Moira na baka puwedeng co-management ngunit hindi raw pumayag ang Cornerstone.
“Malaki raw na bahagi ng mga desisyon ni Moira ‘yung kanyang boyfriend ngayon… non-showbiz yata itong boyfriend niya,” dagdag chika pa ni Ogie. (IS)