Speecheless pero flattered si Joshua Garcia sa pag-amin ni Ivana Alawi na may gusto siya sa Kapamilya actor.

Una nang ibinuking si Ivana ng kapatid niyang si Mona Louise Rey sa vlog ng sexy actress noong August 29, 2021.

Hindi itinago ni Ivana ang kasiyahan nang mapanood ang surprise video message mula kay Joshua.

Sa vlog ni Ogie Diaz kay Ivana noong October 13, 2021, inulit ni Ivana na crush niya si Joshua.

Dito ay inamin din ng sexy actress na may komunikasyon na sila ni Joshua at nakapagpalitan na sila ng mensahe sa isa’t isa sa pamamagitan ng direct messages ng Instagram.

Ivana Alawi confirms communication with Joshua Garcia | PEP.ph

Sa virtual mediacon ng TV series na Viral Scandal ng ABS CBN na ginanap kagabi, October 19, hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon si Joshua tungkol kay Ivana.

Napatakip muna ng mukha si Joshua, na waring nahihiyang mausisa lalo pa’t nasa presscon ang buong cast members ng serye.

Joshua Garcia is open to be Ivana Alawi's friend | ABS-CBN News

Sabay napangiting sagot ni Joshua: “Ako, pag may humanga sa akin, nakakadagdag ng confidence yun sa lalake, di ba?

“Di ko alam ang reaction ko. Siyempre thank you kasi naa-appreciate yung work ko na ginagawa.

“Base sa nakita ko at narinig ko, na-appreciate niya yata yung acting ko, thankful, sobrang thankful ako.

“As an actor, maraming salamat.”

Sinabi rin ni Joshua na nais niyang maging kaibigan si Ivana, pero hindi na siya nagdetalye tungkol sa pagdi-DM nila sa isa’t isa.

“Yeah, I’m open na maging magkaibigan, okay lang sa akin,” simpleng saad niya.

ON FRIENDSHIP WITH NGUYA SQUAD

Isa si Joshua sa miyembro ng barkadahang “Nguya Squad” na binubuo ng magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Kasama rin dito sina Sofia Andres, partner ni Sofia na si Daniel Miranda, Ria Atayde, Marco Gumabao, at iba pa.

Nung nakaraang Setyembre ay nagbigay ng madamdaming mensahe si Joshua na ang grupo ang tumulong sa kanyang hindi malunod sa kalungkutan sa panahon na mayroon siyang pinagdadaanan.

Ayon sa Kapamilya actor, napakasuwerte niyang naging bahagi siya ng grupo.

“Sila kasi yung nandun para sa akin especially nung nag-pandemic. Nakakulong lang ako palagi sa kuwarto, di kasi ako mahilig lumabas.

“Laking tulong nung ginawa nila na lumalabas kami, ang dami naming activities na ginagawa.

“Sila rin kasi yung nandiyan nung time na nung may problema ako, sila yung nandiyan para sa akin.”

Patuloy ni Joshua: “Di sila nawala, aminado ako na nawala ako.

“Hayun, sobrang pasasalamat lang, sobrang grateful ko na nandiyan lang sila para sa akin.

“Sobrang suwerte ko na naging kaibigan ko sila.”

JOSHUA’S new tv series

Pinagbibidahan ni Joshua ang series na Viral Scandal kapareha si Charlie Dizon.

Kabilang din sa cast sina Dimples Romana, Jake Cuenca, Ria Atayde, Markus Paterson, at iba pang Kapamilya stars.

Tinanong namin si Joshua na kung saka-sakaling mai-involve siya sa isang viral scandal, aaminin niya ba ito at dedepensahan ang sarili o mananahimik na lang siya at hahayaan na lang mamatay nang kusa ang isyu?

Sagot ni Joshua, “Well, ako, depende siguro sa sitwasyon, depende sa klase ng video na nag-viral.

“Kung alam ko na kailangan kong mag-explain, mag-e-explain ako.

“Pero pag kailangan kong huwag na lang magsalita, ganun na lang ang gagawin ko. Depende talaga sa sitwasyon.”