Gerald Anderson says Julia Barretto is the right one

Gerald Anderson says five years of being in a relationship with Julia Barretto is proof that she’s the “right one.” But he adds that there’s no need for them to rush into marriage.
PHOTO/S: Rachelle Siazon / @juliabarretto Instagram

Sigurado na si Gerald Anderson, 35, na si Julia Barretto, 27, ang “the right one” para sa kanya.

“Of course, five years na kami, di ba?” diretsong sagot ni Gerald nang tanungin siya ukol dito.

Taglay raw ni Julia ang mga katangiang gusto niya sa isang babae.

“Yung personality niya, yung pagiging fighter niya, yung pagiging malambing niya.

“Pag tiningnan mo siya, parang mukha siyang bata, mukha siyang pretty face lang.

“Pero, hindi. Malalim siyang tao. She’s very beautiful inside and out,” paglalarawan ng aktor sa kasintahan.

Julia Barretto and Gerald Anderson

Photo/s: @andersongeraldjr Instagram

Bago pa mapunta ang usapan kung may plano na silang lumagay sa tahimik, inunahan na ni Gerald ang press.

“She’s very special to me. Alam naman yun lahat yan. Hindi naman magbabago yan.

“But, itong moment na to, yung moment na ngayon, let her enjoy.

“Huwag natin madaliin,” saad niya.

Humarap si Gerald sa entertainment press noong August 24, 2024 sa Studio 8 ng ABS-CBN.

Inilunsad siya bilang lead star ng upcoming teleserye ng ABS-CBN Studios, ang Nobody, kunsaan gaganap siya bilang isang pulis.

GERALD ANDERSON ON JULIA BARRETTO’S BOX-OFFICE MOVIE

Hindi maiwasang tanungin si Gerald tungkol kay Julia, na matagumpay ang pagbabalik-tambalan sa ex-boyfriend nitong si Joshua Garcia sa pelikulang Un/Happy For You.

As of August 28, ayon sa Star Cinema, humakot na ng PHP320 million box-office sales ang pelikula.

Ayon kay Gerald, “Well, ang gandang ibig sabihin para sa industriya, right?

“Kasi for a time, parang hindi mo alam, babalik ba mga tao sa sinehan?

“It’s a challenge for everyone kasi we have to keep producing good projects, quality projects.”

Patuloy niya: “At pinapakita natin na pag gawang Pinoy, papanoorin pa rin yan, e, di ba?

“Hindi naman kailangan laging Hollywood.

“Lagi ko sinasabi ito, I think we have the best actors in the world.

“Kasi nga, with the given situation, siyempre hindi naman kasing laki ng budget natin sa ibang bansa.

“But we always produce. So, yun. Galing, no?”

Nakarating kay Gerald ang feedback na maganda ang performance ni Julia sa pelikula.

“Pinaghirapan niya yun. I haven’t seen it, pero sobrang galing daw niya,” ani Gerald.

Proud na sabi pa niya sa successful movie ng nobya, “It’s long overdue.

“Para sa akin, she’s one of the best, if not the best, sa generation niya. At marami pa siyang ipapakita sa inyo.”